Dahil December ngayon at malapit na ang pasko naisipan kong ishare sa’yo itong 5 Holiday Blogging Tips. Ito ay para sa baguhan at sa medjo matagal na sa blogging.

Kung baguhan ka na blogger, itong 5 tips na ito ay magiging guide mo para maging mas madali ang pagbablog mo. At kung matagal ka nang blogger sana kahit papano ay may mapulot kang value dito sa tips na isishare ko sa’yo.

Monday ngayon dito sa Freeport at makulimlim ang panahon. Ok lang kasi hindi mainit. I decided to make this post habang papunta ako sa William’s Town Beach, Freeport.

No, hindi po ako maliligo sa beach. Pupunta ako dahil kailangan kong maghakot ng buhangin. (Malalaman mo sa video kung bakit)… Anyway,

Ito ang 5 Holiday Blogging Tips:

  1. Solve other people’s problem.

    Kung gagawa ka ng blog post isang paraan na makakakuha ka ng attention ay kung makakasolve ka ng specific problem ng mga readers/visitors mo.Example: Kung ang problema ng iyong reader ay hindi nya alam paano maghanap ng mga tao na bibili sa kanyang product. Gumawa ka ng blog na tuturo sa kanya na gamitin ang social media gaya ng facebook para maghanap ng buyers.

  2. Magbigay ka ng valuable information

    Ang example nito ay kung ang reader mo ay hindi pa nya alam na pwede palang gamitin ang internet para gawin ang kanyang business. Bigyan mo sya ng information tungkol sa pag gawa ng facebook page para ito ay magsisilbing tindahan nya sa internet.Sa tingin mo ba ito ay valuable para sa kanya? Oo diba.

  3. Be consistent

    Dapat tuloy-tuloy ang pagbablog mo. Hindi ko sinasabing dapat gawin mo everyday. Kung ang kaya mo ay gumawa ng blog isang beses sa isang linggo, siguraduhin mo na may isang blog post ko sa isang linggo. Huwag kang mag skip ng isang week.

  4. Hindi mo kailangan maging perfect

    Guilty ako nito sa totoo lang. Nung nag umpisa ako hindi ako makagawa agad ng blog post dahil gusto ko perfect. Ang nangyari naoverwhelmed ako dahil absorb ako ng absorb ng mga information about blogging.Anong nangyari? Wala!!! So ito ang tip ko sa’yo “You don’t have to be great to start, you just have to start to be great.” mula kay Zig Ziglar.Ano pang hinihintay mo? Start na.

  5. Gumawa ka ng videos

    Alam ko marami ang magrereact dito. Pero kailangan mo talagang gumawa ng video. Bakit? Dahil ito ang pinakamabilis na paraan para makilala ka, magustuhan ka at higit sa lahat magtiwala ang mga tao sayoAlam mo ba na mas mataas ang bilang ng mga tao na nanonood ng video? Ikaw kung may isang article o post sa facebook, ano ang mas tinitignan mo, yung written text o video?

Ok yan ang 5 Holiday Blogging Tips ko na hinanda para sa’yo. Kung may nakuha kang value dito click mo ang like button at ishare ito sa mga friends mo.

5-22-2015 3-35-53 PM

Jay Dela Peña
jaydelapena.com
support@jaydelapena.com

7 Killer Blog Titles