Isang malamig na umaga habang naglalakad si Berto sa gubat para magcamping may nakita sya na isang lumpong musang.

Napatanong si Berto sa kanyang sarili, “Paano kaya nakakakain itong baldado na musang?”

Mayamaya may dumating na tigre na may bibit na huli sa kanyang bibig.

Kinain nya ang kanyang parte at ibinigay sa lumpong musang ang tira.

Habang nagmamasid si Berto, sinabi nya sa sarili, “Kung tinulungan ng Dios itong lumpong musang, tutulungan din Nya ako.”

Nang umuwi na si Berto galing sa camping, nagkulong sya sa bahay at naghintay sa kalangitan na bigyan sya ng pagkain.

Walang nangyari.

Humiga sya kama at hinintay ang Panginoong Dios na mabigyan sya gaya ng ginawa Nya dun sa lumpong musang.

Walang nangyari.

Dahil sa sobrang gutom nanghihina na si Berto halos hindi na sya makatayo para makalabas ng bahay.

Sa puntong iyon may anghel na nagpakita kay Berto.

Tinanong si Berto, “Bakit mo ginagaya ang lumpong musang? Binigyan ka ng Panginoon ng talento at kakayahan para magkaroon ka ng magandang pamumuhay at alagaan ang mga lumpong musang sa mundo. Tumayo ka, lumabas ka ng bahay at sundin mo ang pamamaraan ng tigre.”

Ngayon gusto kitang tanungin. Alin ka ba sa dalawa?

Kung gusto mong maging successful sa buhay kailangan mong gumawa ng aksyon. Biniyayaan ka ng Dios ng mga talento at kakayahan para gawin ang nararapat upang magtagumpay ka.

Gaya ng tigre, ginamit nya ang kanyang kakayahan para maabot nya ang kanyang goal na makahanap ng pagkain at tulungan ang lumpong musang.

Ok, kung hanggang ngayon ay nagbabasa ka pa nitong blog post ibig sabihin ay gusto mong maging successful sa buhay. Pero ang problema ay hindi mo alam kung ano ang mga hakbang na gagawin patungo sa goal mo.

Dahil dun nananatili ka nalang ngayon sa kasalukuyan mong sitwasyon. Yung iba nga sasabihin pa nila, “Bahala na si Batman.”

Sa tingin mo ba makakatulong kaya yun sa kanila para maabot nila ang kanilang pangarap na maging successful sa buhay?

Hindi di ba?

Ang kailangan mo ay isang malinaw at proven na paraan na madaling sundin at gawin para maabot mo ang success sa maiksing panahon.

Kung may maipapakita ako sa’yo na paraan magiging interested ka bang alamin kung ano?

Kung oo ang sagot mo, go ahead and click the image below. Pagkatapos ilagay mo ang iyong email then click the green button. Tapos panoorin mo ng buo ang video.

Alamin-Ang-Sikreto-Ad-End-of-Blog-Post-01