Ano ang Affiliate Marketing at bakit ito ang simpleng paraan para kumita sa internet kahit baguhan ka pa?

Photo of imagerymajestic from freedigitalphotos.net

Photo of imagerymajestic from freedigitalphotos.net

Bago ko sabihin kung bakit isa ito sa pinaka simpleng paraan para kumita sa internet kailangan mo munang malaman at maintindihan kung ano ang Affiliate Marketing.

Ang pinaka maiksing explanation dito ay nakuha ko mula kay Joel Comm, at ito ang sabi nya. Ang Affiliate Marketing ay ‘SOPS’ meaning ‘Selling Other People’s Stuff’, in tagalog ‘ang pagbebenta ng mga bagay o produkto ng ibang tao’.

Ang iksi lang diba? At ang dali pang tandaan.

Kapag nagdecide ka na papasok sa affiliate marketing at magbenta ng produkto ang tawag sa’yo ay ‘affiliate’ or ‘affiliate marketer’ at ang may-ari ng produkto ay ‘merchant/vendor’. Ang trabaho mo ay maghanap ng mga clients or buyers na bibili sa produkto ng merchant at ito ang marketing side.

Ngayon na alam mo na kung ano ang affiliate marketing siguro excited ka nang malaman kung bakit ang affiliate marketing ay isa sa pinaka simpleng paraan para kumita ka sa internet. Pero bago ko iexplain ito may ikukwento muna ako sa’yo.

Alam ko na alam mo na sa panahon ngayon mahirap humanap ng magandang trabaho. Kahit bachelor’s degree holder ka pa ay hindi ka exempted dito.

Hindi porket college level ka ay siguradong magkakaroon ka ng trabaho pagkagraduate mo. Kung makakapasok ka man sa isang magandang company, posibleng hindi naman in-line sa course na kinuha mo.

Pwede rin na nasa isang prestigious company ka pero maliit naman ang sweldo. Tama?

Ok, gawin nating example yan. Ipagpalagay natin na may trabaho ka ngayon at nasa isang magandang company ka.

Ang problema nga lang ay hindi sapat ang kinikita mo sa isang buwan. Minsan pa nga ay kinukulang ka pa.

Ano kaya ang mga pwede mong gawin para madagdagan ang kinikita mo sa isang buwan?

Tignan natin ang options mo. Ito ang mga common na paraan.

• Sideline/Additional job
• MLM/Networking
• Sari-sari store
• Magbenta ng pagkain/alahas/RTW sa mga kakilala or office mates

Lahat ng yan ay ginagawa in a traditional way except sa first two na pwedeng gawin online.

Pero kahit pwedeng gawin sa online ang sideline/additional job, kailangan mo pa rin ng mahabang oras lalo na kung naghahanap ka pa. At kung meron ka nanamang sideline sa internet, you still need long hours pagkatapos ng regular work mo.

Sa MLM o Networking naman. Hindi rin ganyan kadaling gawin dahil kailangan mo pang magbuild ng network. Ibig sabihin kailangan mong mag invite at magrecruit para lalaki ang network mo. Still it requires a lot of your time.

Kailangan mo ring mag attend ng company seminars regularly which means na kailangan mo pang pumunta sa office ng MLM company. Isipin mo nalang ang hasel sa biyahe para mag attend ng seminar at isali mo pa ang pagmeet sa iyong prospect kung saan man sya.

Pano pa yung ipanlibre mo sa iyong prospect. Diba galing sa bulsa mo yung pinanlibre mo? Dagdag sa expenses yan. Tapos ilang beses mo gagawin yan sa isang linggo?

Isipin mo ang gastos mula sa pamasahe hanggang sa panlibre mo sa iyong prospects. Siguradong sasakit ang ulo mo at baka madepress ka pa.

Ngayon balik tayo sa affiliate marketing.

Ito ang benefits kapag nag affiliate marketing ka

• Hindi mo kailangan umalis ng bahay para mag attend ng mga trainings
• Hindi mo kailangan manlibre ng prospects
• Hindi mo kailangan magsayang ng oras after sa regular job mo
• Hindi mo kailangan imeet face to face ang customers mo
• Hindi mo kailangan ng storage para sa mga products
• Pwede mong gawin sa bahay, sa coffee shop, sa mall at kahit sa beach. Virtually kahit saan mo gustong pumunta pwede mong gawin ang affiliate marketing basta may internet connection ka.

Remember I told you na ito ang pinakasimpleng paraan para kumita ka sa internet? Ngayon ito na ang 4 simple steps na gagawin mo para kumita ka sa internet using affiliate marketing.

4 Simple Steps Para Kumita Ka Sa Internet Using Affiliate Marketing

• Pick a product to promote
• Get traffic to the product you promote
• Make a sale
• Earn a commission

That’s it. Affiliate Marketing ay simple lang gawin.

In the next blog post ko, ipapakita ko sa’yo ang iba’t-ibang products na pwede mong ipromote gamit ang internet.

May natutunan ka ba dito? If so, I would greatly appreciate it if you commented below and shared on Facebook

5 Free Marketing Training Videos