Kung hindi mo alam ok lang dahil yan ang ating pag uusapan sa blog post na ito. Tignan natin ang pinagkaibahan ng dalawa .

Bago ko iexplain sayo ang pinagkaibahan ng dalawa may kwento muna ako sa’yo.

Kwento ito ng dalawang magkakaibigan. Si Andrea at si Andrew. Mabuting magkakaibigan itong dalawa. Parehas sila ng hilig at ang hilig nila ay mag bake.

Isa sa activity na ginagawa ng dalawa maliban sa pag bebake ay nanonood din sila ng mga tutorials at trainings sa internet at nagbabasa ng mga books about baking.

Pero isa lang sa kanilang dalawa talagang nagging successful sa baking at yan ay si Andrea.

Bakit ganon eh parehas naman sila ng pinapanood na tutorials. Parehas din ang libro na binasa nila.

Ano ang pinagkaibahan ni Andrea at ni Andrew at bakit si Andrew hindi naging successful gaya ni Andrea?

Ganito kasi ang nangyayari.

Pagkatapos nilang manood ng tutorial video or training ganito ang ginagawa nila.

Si Andrew pagkatapos nyang manood ng tutorial video or training umuupo lang sya sa computer at naghahanap na naman ng ibang tutorial.

Si Andrea on the other hand ito ang ginagawa nya pagkatapos nyang manood ng tutorial video or training. Tatayo si Andrea at didiretso na sa kusina. Gagawin nya agad yung bagong natutunan nya. Habang si Andrew ay busy sa panonood ng magkakasunod na tutorials.

Hanggang matapos ang buong araw ang nagawa ni Andrew ay manood lang ng tutorial videos.

Pero si Andrea at the end of the day may bagong nagawang cake dahil inapply nya agad yung natutunan nya sa tutorial video.

Ito ang ibig sabihin ng Passive Learner at Active Learner.

Si Andrew ang tinatawag natin na Passive Learner. Passive learner si Andrew dahil wala syang ginawa kung hindi nanonood lang ng tutorial videos hanggang matapos ang araw. Marami nga syang natutunan pero wala syang action.

Habang si Andrea naman ay ang Activer Learner. Active learner si Andrea dahil everytime may bago syang natutunan galing sa tutorial videos or sa libro ay agad nyang inaapply ang new knowledge na nakuha nya. Gumawa agad si Andrea ng action.

Kaya ang nangyari sa huli ay naging successful baker si Andrea habang si Andrew ay naging steady lang. Kung ano si Andrew noon, ganun pa rin sya ngayon.

May nakuha ka bang value dito sa blog post? Show your support by clicking like and share this to your friends.

 

Alamin-Ang-Sikreto-Ad-End-of-Blog-Post-01